June na! Pasukan na naman. since first day of back to school today... sobrang hirap na nman para sa isang commuter na tulad ko ang bumiyahe. Kanina pa nga lang sobrang inabot ako ng 35mins bago makasakay ng LRT (whew!) dati rati 06:45-06:50 nakakasakay na ako ng LRT going to Buendia pero kanina 07:20 na nasa monumento station pa rin ako... waaaaaaaah! :'( well, as expected ang siksikan, tulakan, balyahan factor ay sobrang expected ko na talaga. Pero ang tumagal ng 35mins na maghintay ay sobrang bago para sa akin. Naka 7 trains ata' bago pa ako nakasakay (4 dito ang skip train) finally, after 45mins travel time nakarating na rin ako sa Buendia Station. Asual, since karamihan ng bumababa dito ay nagtatrabaho sa Makati asual ulit ang daming tao at ang bagal ng movement bago ka makalabas ng LRT station (imagine, lalabas ka lng mga 5mins pa ang kakainin ng oras mo huh?!). tapos, pagbaba mo pa ng buendia pasakay ng Ayala sobrang hirap na naman... halos makarating kna ng Roxas Blvd. sa kakalakad para salubungin ang mga Jeep/Bus na sasakyan mo papuntang Ayala (whew!) tapos, pag nakasakay ka na ang next na haharapin mo nman ay ang trapik na kalsada sa kahabaan ng buendia ... Utang na loob! imagine? Lunes pa lang, first day of work for the week. dapat fresh ka pa from vacation last weekend pero feeling mo friday na agad sa pagod dahil sa pag commute pag pasok sa opisina. haaaaaaaay buhay!!! ang hirap talaga ng isang commuter... kelan kaya ako makakabili ng sarili kong sasakyan? :(
No comments:
Post a Comment