my BLOG Stats

Madalas Sad si God

(Isang excerpt mula sa aklat na : "Praise and Worship Nga Ba o Assuming Lang?")

Sabi ng isang pastor sa members nya, “Next week,
I plan to preach about the sin of lying. To help you understand my sermon, I want you all to read Mark 17.”

Kinalingguhan, sabi ni Pastor, “Itaas ang kamay ng lahat ng nagbasa ng Mark 17.” Halos lahat naman, tumaas ng kamay. Ngumiti si Pastor at nagsabi, “Mark has only sixteen chapters. I will now proceed with my sermon on the sin of lying.”

Hindi kaya karamihan sa tsumitsimba ngayon ay dagdag kalungkutan sa Diyos—nagsisinungaling sa kanilang tunay na motibo sa pagsamba o hindi alam na sad si God sa kanilang pagsambang “no way”? Our worship sometimes insults God. Kaya sa halip na ang awitin natin ay “He is exalted, the King is exalted on high,” sa uri ng pagsamba na ipinapakita ng marami sa atin, parang mas bagay ang “He is insulted, the King is insulted on high.”



May emptiness sa worship kapag hindi galing sa heart. Dahil kapag galing sa heart, iyon ang lalabas sa mukha. Pero kapag idinaan sa microscope ang the way we worship, malamang ay kakitaan ito ng irreverence at disrespect of God. Tatawagin itong vain worship, kung saan it becomes offensive to God, at malamang mauwi bilang isang aktwal na abomination sa Diyos. Kakikitaan din ito ng little sincerity o lack of genuineness. Much more, mare-reveal din na hindi talaga galing sa puso ang ating mga pagsamba.

Sabi ng Proverbs 28:9, “If anyone turns a deaf ear to my instruction, even their prayers are detestable.” Detestable. Despicable. Hateful. Abominable. Revolting. Contemptible. Shameful. Disgraceful. Wicked. This is because many worshipers today ang naka-develop marahil ng mechanical concept of worship—in-assume na ang performance sa loob ng isang worship activity ay sapat na upang makapag-produce ng anumang desired results. Wika ni Jesus sa Matthew 15:8-9,

These people honor me with their lips,
but their hearts are far from me.
they worship me in vain;
their teachings are merely human rules.

Napansin mo ba, tigtatlong complain ito? Why? That is a quotation by Jesus from the prophet Isaiah (29:13). So? Ang problema sa panahon ni Isaias ay problema pa rin sa panahon ni Jesus at problema pa rin sa ating panahon! Kaya ko sinabing pagdating sa worship, madalas sad si God. Ang ilan sa ating pagsamba ay pagsambang no way. Patsamba-tsamba, baka sakaling pleasing sa Kanya!

No comments:

Post a Comment