my BLOG Stats

NBI renewal


Ang bagal.... 
   sa kasalukuyan andito ako ngayon sa may waiting area ng Quality Control for interview ng NBI. Hindi daw kasi pwede i-release ang NBI Clearance ko dapat daw dumaan muna ako sa Quality Control for assesment. siguro, mga 15mins at 1oras na ako dito (grabeh! ang tagal talaga sobra!) imagine? dumating ako dito 11:45am anong oras na? 1pm na! kamusta nman yun di bah? :'( gustuhin ko mang kumain muna sayang nman at baka tawagin ang pangalan ko. Bakit ba ganito kasi ang mga government agency natin sobrang tagal ng serbisyo. kailangan pang magkaroon ng kakilala (backer) sa loob para lng mapabilis ang serbisyo mo. 
teka lng! wait a minute. merong lumabas at nagtatawag ng pangalan baka sakaling matawag  na ang pangalan ko. waaaaaaaaaaaah!!! :'( ano ba yan. wala pa rin! haaaaaaaaizt! ang hirap naman kasi ng masyadong common ang name. ang dami kong kapangalan. siguro me mga kaso ang ibang kapangalan ko. nakupo! nakakatakot naman. baka mmaya mapagkamalang ako yun! hindi ako yun! hindi! hindi! hindiiiiii!... nyay! what if kaya magka ganon? haaaaizt! ayokong isipin. nakakaramdam tuloy ako ng kaba. feeling ko tuloy ako ang me kaso nito. haaaaaaaaaaay! ang tagal naman kasi ulit magtawag ng mga susunod na papasok for interview para malaman ko na rin kung ano ba ang gagawin sa akin sa loob ng kwarto na yun. sige na nga! makapaghintay na nga lang ulit dito sa waiting area (buti na lng me aircon na ang bagong building ng NBI kaya kahit pano medyo comfortable na mag hintay). 


        .....30mins na ulit ang lumipas and i'm still here... hindi pa rin tinatawag ang pangalan ko. sa tingin ko nman hindi nman kami gaanong marami dito. mga nasa 50 lang kami (ay! madami dami din pala!) sobrang bagal lng ba talaga ng serbisyo o siguro super interview to the highest power lang ang pag iimbestiga sa mga me kapangalan na me kasong tulad ko. .....waaaaaaaaah! anobah! sobrang nkakainis na... sobrang nakaka tense pa!(huh?!) ano ba kasi ang meron sa room na yun? ano ba? sige na nga... maghihintay na lang ulit ako dito (sana lng makaya ko pa.) ang serbisyong gobyerno talaga... ay! ewan! hump! :( 

No comments:

Post a Comment