my BLOG Stats

JOKE' JOKE' JOKE!



on the lighter side' take time to take a break! below is my jokes collection na sobrang umaliw sa akin. Hope i can make you smile too...
Happy reading! J

It's JOKE TIME!!! J


BOY : Sana problema na lang ako para lagi mo akong iniisip.
GIRL: Oo nga eh ! Para lahat gagawin ko mawala ka lang.

Tomas: Sobrang tabatsoy ang misis ko , kaya gusto niyang magbawas ng timbang. Nag-horseback riding siya...
Jorge: Ano ' ng resulta?
Tomas: Nabawasan ng sampung kilo ' yung kabayo!

Dalawang holdaper sa bangko:
Holdaper #1: Yehey! Mayaman na tayo!
Holdaper #2: Bilangin mo na!
Holdaper #1: Alam mo namang mahina ako sa math. Abangan na lang natin sa balita kung magkano!

ANAK: ' Nay , penge ng pera. May project kami. Bibili ako ng 'cocomban'.
NANAY: Ano ka ba naman. Hangga ngayon ' cocomban ' pa rin ang tawag mo!
ANAK: Ano po ba ang tama?
NANAY: Typewriting na lng anak ang sabihin mo para hindi kana magkamali.
ANAK: Sige na nga nay, penge ng pera bibili ako ng typewriting.
NANAY : sige anak, kuha kna lng sa ‘Soldier bag’ ko.

Tanga 1: Ano bang hinahanap mo diyan sa supot ng 3-in-1 coffee. Kanina ka pa silip nang silip diyan.
Tanga 2: Hinahanap ko yung libreng asukal. Nakasulat kasi sa karton ' SUGAR FREE. '

JUAN: Pare , ang bilis kong nabuo ' tong puzzle!
PEDRO: Talaga? Gaano kabilis?
JUAN: 5 months!
PEDRO: Tagal naman!
JUAN: Tagal ba ' yun? Nakalagay nga dito: 'for 3 years & up ' !

Juan : 0y,ano yan?Pinya? Pahingi nman.
Pedro : Pahingi? Nsaan ka nung ngbu2ngkal ako ng lupa sa ilalim ng init ng araw?Nasaan ka nung ngtatanim ako hbang kumukulog, kumikidlat at bumubuhos ang ulan? Nsaan ka nung oras na ng-aani ako na ngkalat ang mraming ahas sa daanan ko, nung naghihirap ako sa pgpasan ng pinya? Nasaan ka?
Juan : Nakulong ksi ako noon! Nakapatay ako ng madamot!
Pedro : ganun ba?Kuha ka na, khit ilan! May langka pa dun! :]


Driver: o’ yung mga panget dyan pwede ng magsi-babaan, my checkp0int sa harapan!
Pasahero: eh kuya? Sino na po magmamaneho?

Anak: Tay , totoo po bang may multo?
Tatay: Anak walang multo! Bakit mo naitanong?
Anak: Sabi kasi ni yaya merong multo!
Tatay: Anak... naman, wala tayong yaya!

Bahay ng mag-asawa pinasok ng killer....
Killer: Bago ko patayin lahat ng biktima ko ay kinikilala ko muna. Ikaw Mrs, ano pangalan mo?
Mrs: Inday po.
Killer: Napakagandang pangalan, kapangalan mo nanay ko.
Hindi na kita papatayin. Ikaw mr, ano pangalan mo?
Mr: Ah Pedro po, pero my friends call me Inday.

Teacher: Juan, give me colors that start with letter M, except maroon!
Juan: Hhmmm...
Maitim!
Mapute!
Maputla!
Madilaw!
Mukhang berde!
Mejo asul!
Mamink-mink!


Isang binata naputulan ng parehong braso, pagdating sa ospital:
Binata: Doc gamutin nyo po ako, naputol parehong braso ko.
Doc: Mga anong oras ka ba naputulan?
Binata: Mga 10 oras na po.
Doc: 10?! Eh bakit ngayon ka lang pumunta dito?
Binata: HALLER! Mahirap kayang pumara ng jeep!!


Nanay: Papauwi ka na ba? Asan ka na?
Anak: Andito po ako sa ospital...
Nanay (umiiyak): Ha? Ano nangyari sayo?!
Anak: Nay, nurse po ako, duty ako ngayon!

A large signboard says: "ALCOHOL KILLS SLOWLY."
Nakita ng lasenggo... "So what?! Sino ba nagmamadali? "?

Misis: Inday, napansin mo ba ang barong ni sir mo lagi na lang may lipstick?
Maid: Opo nga ma'am! Mukang niloloko na tayo ni sir ah?!?!

Jr: Nay, nagloko ba si lolo noong buhay pa sya?
Mom: Pag namatay ako, tatangungin ko sya sa langit.
Jr: Eh kung nasa hell si lolo?
Mom: Tatay mo ang magtatanong!

Pacquiao: Honey, boksan mo na yun sweets.
Jinky: Nasan honey? Ang lambing mo naman. May pasalubong ka pa sa akin!
Pacquiao: Yung sweets ng elaw. Ang dilim kasi!

Bisaya: Hulaan mo alaga kong hayop nagsimula sa liter I.
DJ: Isda?
Bisaya: Dili man!
Dj: Ibon?
Bisaya: Lapit na.
DJ: Ano nga, siret na!
Bisaya: IGOL.

Misis: Darling, akala ko ba, mahal mo ako....
Mister: Oo nga! Handa akong mamatay alang-alang sayo.
Misis: Sus! Puro ka naman satsat, hindi mo naman ginagawa!

Tony: Ikaw na naman? Tatlong beses mo na akong na-holdup ngayong taon, ah!
Holdaper: Ganu'n talaga brod. Inaalagaan ang good customer

A very SAD story:
A guy visits his dying Chinese girl friend at the hospital. the Chinese girl said "Hong Pi Chik" then die. the guy went all the way to China to find the meaning of his girlfriend's last w0rd. And he was sh0ck to kn0w the real meaning…. "WAG MO TAPAKAN ANG OXYGEN"

JUAN: sino matapang dito ? lumabas na !!
SIGA: ako , bakit ? may problema ka ??!!
JUAN: aah survey lang po , sige yung mga duwag naman.

bakit dalawa ang butas ng ILONG ?
kasi pag nangungulangot ka , makakahinga ka pa sa isa.

dalawang aso nag-uusap.
ASO1: totoo bang may rabies ang laway natin?
ASO2: oo , bakit ?
ASO1: kinakabahan ako , nalunok ko kasi. 

BATA: naiinom po ba ang tubig dito ?
MANONG: nasasayo yan ineng kung gusto mong nguyain.

Pare 1: pRe, wats ur biggest fantasy?
Pare 2: to be kisSeD by someone in the rain...how aBout you?
pare1: to be dat sum1 pare.   ayieeee!!! This guy’s inlove with you pare! :D


DOC:Bukod sakin,may nauna kb kinunsulta s sakit mo? 
JUAN:Sa albularyo po! 
DOC:Anong KALOKOHAN pinayo sa iyo? 
JUAN:Magpunta daw ako sa inyo!

KRIMINAL1: Pare, dito ba talaga pupunta yung papatayin natin? 
KRIMINAL2: Oo pare, ang tagal nga eh. Sana walang nangyaring masama sa kanya.

Election...
PEDRO: Please VOTE WISELY!!!
JUAN: Sino si WISELY? Kandidato ba yun?

Sa pinoy henyo...
JUAN:Tao?
PEDRO:Oo!
JUAN:Artista?!
PEDRO:Oo!
JUAN: Lumalabas sa tv?!
PEDRO: Oo!
JUAN: Sadako?!

Juan kumakanta…
JUAN: ♫Kunin mo na ang lahat sa akin♫...
Maria: Ui alam mo ang ganyang boses, mahirap mapulot yan…
JUAN: (natuwa) Talaga? Bakit naman?
MARIA: BASAG eh!

TEACHER: Pedro 1 + 3?
PEDRO: Maam 4 po.
TEACHER: Oh ikaw Juan. 3+ 1?
JUAN: Ayan na! Ayan na! Langya... pag mahirap akin...! FAVORITISM....!

PASAHERO: Mama, dahan-dahan lang po. Alalahanin nyo na palaging nakasunod sa atin ang disgrasya!
DRAYBER: E, kaya ko nga binibilisan para di tayo abutan!

MR: Hon, buksan mo ang pinto!
MRS: Sori, hindi pwede. Wala akong suot.
MR: (tumawa) Ok lang. Wala akong kasama.
MRS: Ako, meron!

Educational tour ng mga estudyante sa mental hospital. Sinalubong sila ng 1 doktor para sila ilibot…
DOKTOR: Nandito tayo sa kwarto ng mga baliw na akala nila sila ay mga bayani. Yung isang yon na nakataas ang kamay…feeling nya may hawak syang itak, sya daw si Bonifacio.  STUDYANTE 1: Yun pong 1 nakapalumbaba? 
DOKTOR: Ah, akala nya sya si Ninoy.
STUDYANTE 2:Eh yun pong nakaupo? Mukha naman tahimik at matino ah.
DOKTOR:Hindi iho,baliw din yan,dahil iniisip nya na sya daw si Mabini. Feeling nya lumpo sya, pero kapag iiniksyunan na bigla syang tatayo at magtatatakbo. Hayyy... grabe na ang mga pasyente dito…wala na silang pag-asang gumaling. 
STUDYANTE 3: Ganun po ba? Maraming salamat po dok, babalik na lang po kami ulit.Ah anu nga pong pangalan nyo dok? 
DOKTOR: Ah, ako nga pala si Doktor Jose P. Rizal.

PEDRO: Lahat tayo nagmula kay eva at adan.
JUAN: Hindi, sabi ng tatay ko sa unggoy daw tau nagmula.
PEDRO: Weh wag kang epal, hindi natin pinaguusapan pamilya mo.

PEDRO: Pare ganda ng relo mo ah. Saan galing? 
JUAN: Hehe rolex to pare,napanalunan ko sa takbuhan
PEDRO: Galing mo ah, saang tkbuhan? 
JUAN: Sa the fort pare. 
PEDRO: Ilan kayo pareng tumakbo?
JUAN: 3 kame pare… ako, ung pulis, at ung may-ari. ...toinkz…

JUAN:Bilin ng mrs ko,wg ako mg-uuwi s bhay ng trabaho kndi layasan nya ko! 
PEDRO:Bkit no ba trabaho mo? 
JUAN:EMBALSAMADOR!

Isang gabi, may lalaking nasiraan ng kotse sa isang liblib na bayan. Sa tapat ng sementeryo may puno ng balete.May lumapit na matandang may ibinibentang isang libro sa halagang P2,000... Namahalan sya pero napilitan syang bilhin dahil sa takot. Sabi ng mtanda, "Wg mong ttingnan ang huling phina kundi magsisisi ka!" Tpos nwala ang mtanda!Umandar ang kotse. Sa bhay di sya mktulog. Kinuha ang libro,at tinignan ang huling pahina. Nakasulat: NATIONAL BOOKSTORE P29.50

TEACHER: Juan, give me a sentence. 
JUAN: Ma'am is beautiful, isn't she? 
TEACHER: Very good! Please translate in tagalog.
JUAN: Si ma'am ay maganda, hindi naman di ba?

BABAE: Doc, kumusta na ang asawa ko? 
DOC: Sorry iha, mula ngayon ikaw na ang magpapakain at magpapaligo sa kanya, kasi putol na ang kamay nya't paa! 
BABAE: Hah! Totoo ba,Doc? 
DOC:Hehehe!Ninerbyos ka ano? Joke lang! PATAY NA SYA!

Isang bata ang naninilip sa taas ng bubong...
BOY: Sige na! Wala namang tao! 
GIRL: Eh panu kung mabuntis ako?!
BOY: Bahala na ang nasa taas! 
BATA: Putragis! Bakit ako!?! Naninilip lang ako ahh!

Dalawang bobo nag-uusap...
Bobo1: 1+1?
Bobo2: Five
Bobo1: Hahahaha
Bobo2: Bakit ka tumatawa?!
Bobo1: Kala ko di mo alam eh. ASTIG KA T0L! Im proud of you

AHENTE: Sir, un bagong supremarket na dineliveran natin, ngsara na!
BOSS: Ha?! P1Milyon binagsak natin dun ah! Bat daw nagsara?
AHENTE: Gabi na raw

PEDRO: Niloko ko yung tindera kanina.
JUAN: Paano mo naman niloko yung tindera ?
PEDRO: Nagpaload ako eh wala naman akong cellphone.

GIRL: Alam mo , kung ikaw ang asawa ko lalagyan ko ng lason ang kape mo !
BOY: Alam mo , kung ikaw ang asawa ko iinumin ko !

JUAN: Bakit puro patay ang buhok sa KILI-KILI ?
PEDRO : Kung ikaw nasa kalagayan nila , gugustuhin mo pa bang mabuhay ?

Teacher: bat ka na-late?
Boy: nawalan kc ng 500 ung babae.
Teacher: tinulungan mo syang maghanap?
Boy: hindi po, tinapakan ko lang hanggang umalis sya...hehehe…

Girl: (texting) walang  hiya ka!manloloko! break na tayo!
Boy:(shocked) ha?!bakit? anu kasalanan ko?
Girl: ay!.s0ri honEy,wr0ng send po… luv u.
Boy: haiyzt., kala ko nMan kung an0 na., luv u too.!

Popoy: Aling Maria pabili po ng 5 pirasong kamatis!!!
Aling Maria: Pesteng bata ka!!! Kung sumigaw ka, parang bingi yung tinatawag mo!!! ilang kalamansi bibilhin mo? :)

Sa loob ng classroom:
Kinder: Mam! Pag pinaghalo po ba ang Surf at Tide, bubula?
Teacher: Oo naman. Parehas na pang laba yun eh.
Kinder: Ok po! bumulong sa classmate…
Kinder: Tanga ni mam no? Wala pa ngang tubig eh, excited?! Sayang tuition natin dito. Hahaha!

Sa korte
Judge: juan, nasaan ka nung nangyari ang krimen?
Juan: nasa damuhan po.
Judge: anong ginagawa mo noong nagaganap ang krimen?
Juan: tumatae po.
Judge: ilaang hakbang ang layo mula sa pinangyarihan ng krimen?
Juan: malay ko, may tumatae bang pa hakbang hakbang?!

 If you have fun reading this... go' share! and spread happiness... J

No comments:

Post a Comment