One of my friend asked me, after she read one of my post.
Why do you blog?"
Why do you blog?"
hummm... bakit nga ba?
una,
expression of one self. hindi ako writer. at hindi ko inambisyon. pero ang gusto ko lang sumulat. tapos.
pangalawa.
gusto ko lang i-share sa mundo ng internet yung mga iba’t-ibang kwento ng buhay
ko; iba’t-ibang ideya, saloobin, ninanais at ma-ishare na rin ang mga natatagong collection ko ng mga kung anong anik-anik sa buhay. hindi para magmayabang o kung ano
man. simple lang, gusto ko lang ibahagi ang buhay ko.
at
pangatlo. hindi ko alam kung bakit pero kapag ako’y nagblo-blog, iba yung
feeling. yung para bang feeling free ako, na hindi na ako dapat magkunwari,
pwede akong maging ako, walang keme sa ibang tao, emo man o hindi wala akong
pakielam dahil blog site ko ito.
masaya
ako kapag nagblo-blog ako. masaya akong basahin ang mga minsan nakaka-inspire
at minsan naman nakakatawang entries ko. hindi ko na rin iniisip kung anong
sasabihin ng magbabasa ng mga ito. hindi na mahalaga sa akin yun. ang sa akin,
ang mahalaga, ay na-express ko ang sarili ko. okay na ako dun. =)
No comments:
Post a Comment